I can never marry any woman for that matter, dahil para sa `kin ay iisa lang ang babaeng puwede kong mahalin. At iyon ay walang iba kundi ikaw.
Mula nang mamatay ang matriarka ng mga Bustamante na si Doa Pepita ay naging miserable na ang buhay ni Raven. Paano ay mainit ang mga mata ng mag-inang Roxanne at Seora Alita Bustamante sa kanya. At dumating sa puntong muntik na siyang mapahamak dahil sa kagagawan ni Roxanne.
Ang tanging kakampi ni Raven nang mga panahong iyon ay si Bronze. Ngunit nang ipaalam niya ang kapahamakang muntik na niyang sapitin ay hindi siya pinaniwalaan ng binata; sa halip, sa kanya pa ibinaling ang sisi.
Darating ang araw at makakaganti rin siya. Iyon ang itinimo ni Raven sa kanyang puso. At ang pagkakataong iyon ay napasakamay niya nang kupkupin siya ng isang doa na walang anak.
Pero paano kung sa muling pagkukrus ng mga landas nila ni Bronze ay madiskubre niyang hindi kumupas ang pagmamahal na nadarama niya para sa binata? Na ang paglipas ng maraming taon ay tila katumbas lang ng isang araw? Dahil ang isinisigaw ng kanyang puso ay hindi paghihiganti kundi ang masidhing pagnanasang suklian ng binata ang kanyang pag-ibig. Ngunit napakaimposible nang mangyari iyon... dahil ang tingin sa kanya ni Bronze ay isang benggatibo at walang-pusong babae.