I had no plans of changing my lifestyle and perspective. I thought my world would just remain the same, totally upside down. But all you did throughout this time was to make it right-side up. Binago mo ang takbo ng buhay ko.
Harlan Miguel Dela Riva. A headstrong and impulsive widower in his late twenties. He also happens to be the heir of Dela Riva Incorporated. Hindi magkamayaw sa napakaraming babaeng nahuhumaling sa kanyang pisikal na anyo, katalinuhan, at kayamanan. Ngunit sa kabila ng halos perpektong buhay ay isang mapait na pangyayari dalawang taon na ang nakalilipas ang hindi niya makalimutan. Isang bahagi ng kanyang buhay na pumipigil sa kanya upang muling magmahal dala ng takot na mabuksan ang mga sugat at pilat ng nakaraan.
Daisy Andrada. Gentle, optimistic, and soft-spoken. Nakahiligan na niya ang pagiging florist sa Flora Dela Riva. Isang aksidente sa barko ang nag-iwan ng matinding pinsala sa kanya. Sa kabila ng nangyari, nanatiling puno ng pangarap, pag-asa, at magagandang saloobin sa buhay si Daisy. Ang tangi niyang ninanais ay isang buhay na payak ngunit mapayapa, at higit sa lahat, matupad ang pangarap na makapagbigay-inspirasyon sa mga batang ulila na o may kapansanan.
Iisang pangyayari sa nakaraan ang humubog sa mga buhay nina Harlan at Daisy. Ngunit sa kanilang muling pagkikita, mabura kaya ang mga sugat at pilat ng kahapon upang maging susi sa pagbabago ng kanilang mga tadhana?