Will you make me the happiest man on Earth by being mine forever?
Mula noong high school ay minahal na ni Maria Corazon Macky Gonzalo si Adam Andrade. Kaya labis ang kaligayahang nadama niya nang magkaroon sila ng relasyon.
Sa sampung taon nilang pagsasama, hindi niya nakakalimutang bigkasin ang I love you sa binata. Pero never pang lumabas sa bibig ni Adam ang mga katagang iyon.
Until she accidentally snooped into his Facebook account. At parang gumuho ang kanyang mundo sa natuklasang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi niya narinig ang mga salitang kinapapanabikan niyang marinig. May ibang minamahal si Adam. At sa loob ng sampung taon nilang relasyon ay nagawa nitong itago iyon sa kanya.
She felt betrayed and hurt to the highest level. But would she be able to run away, or give him a chance and run back into his arms?