“Hindi ako titigil hangga’t hindi ka napapasaakin.” Sa araw-araw na pagtatrabaho ni Carmela bilang isang traffic enforcer, normal na sa kanya ang makisalamuha sa mga pasaway na motorista. Kaya nang isang Nissan Skyline ang walang habas na humarurot sa kalsada itinatak niya sa utak ang plate number ng sasakyan. Ipinangako ni Carmela na kapag muli niyang nakita ang naturang sasakyan, tuturuan niya ng leksiyon ang driver. At sinuwerteng muling nagtagpo ang mga landas nila ni Benjamin Laxamana—ang pinakamayabang at pinakapasaway na driver na nakilala niya. Ang lakas ng loob ng lalaking magpa-cute sa kanya pagkatapos sabihing wala itong dalang lisensiya. Si Benjamin ang tanging driver na labis na nakapagpainit ng ulo ni Carmela… at nakapagpabilis ng tibok ng puso niya.