Unang kita pa lang ni Frederick James Trinidad kay Camilla Herrera, crush na niya ito. At nang una silang bigyan ng kani-kanilang dog tags bilang Sentinels, naisip na niyang ibigay iyon sa dalaga. Kaso nahihiya siya. Oo, kung anong tapang niya kapag kaharap ang mga rebelde, siya namang torpe niya kay Cammie.
Isang beses, naisip niyang wala siyang mararating kung hindi susubukan. Sinimulan niya sa pag-aya ritong mag-lunch. Sulit naman ang pagharap sa 'takot' niya dahil gusto rin pala siya ng dalaga.
Ngunit nagsisimula pa lamang sila ay kailangan na ni Derick na sirain ang pagtitiwala nitoupang kuhanin naman ang tiwala ng isang rebeldeng heneral na