Dumating ka sa buhay ko. At doon nagbago ang lahat. Binago mo ako. Binago mo lahat.
Sa loob ng maraming taon, pinangarap ni Rose Madrigal si Lucas King, ang matalik na kaibigan ng kapatid niyang si Dave. Pero hindi siya pinayagan ng kapatid na makipaglapit kay Lucas. Hanggang sa tuluyan nang hindi nag-imikan ang dalawang lalaki.
Isang araw, nagulat na lang si Rose dahil inalok siya ni Lucas na turuan itong magluto na ikinasiya naman niya. Kahit may kutob si Rose na higit sa matutong magluto ang pakay ng binata sa kanya, tinanggap niya ang alok dahil gusto niyang lumago ang sariling negosyo nang hindi umaasa sa kapatid o sa kahit sino. Isa pa, ang pinapangarap niyang si Lucas King ang kanyang tuturuan.
Pero paano na kung malaman ni Rose ang tunay na dahilan ng pakikipaglapit ni Lucas sa kanya? Itutuloy pa ba niya ang pag-ibig na tuluyan nang tumubo sa kanyang puso para sa binata?