Gusto kong kapag humarapako sa iyo, siguradong-sigurado na ako sa nararamdaman ko para sa iyo. You told me once that the more we hide our feelings the more it kills us inside. Tama ka. Dahil ganoong-ganon ang naramdaman ko nang hindi na kita nakikita.
Isang bakasyon lamang ang habol ni Jinny sa pagbalik niya sa Pilipinas mula South Korea. Pero ang simpleng bakasyon ay naging bongga nang makilala niya ang antuking chef na si Chesteir La Guardia. Nakipaglapit siya sa chef kahit tila pasan nito ang buong daigdig sa sobrang sungit. Effective naman ang pagiging cute na chinita niya sa binata dahil hindi naglaon ay naging malapit sila sa isat isa.
Subalit lahat ng pantasya niya ay nasisira tuwing mababanggit ni Chesteir ang babaeng tunay na nagbibigay-ligaya sa puso nito. At lahat ng kilig na idinudulot ng binata sa kanya ay naglalaho kapag inihahayag nito na magkaibigan lamang sila. Wala kayang pag-asang maging sila na lamang dalawa?