"Because I love you. Mahal kita higit sa anupamang bagay dito sa mundo"
"Hindi man katulad ng dati ang pagmamahal na iniuukol ko kay Brian ay mail pa rin ang ginagawa nating ito... dahil may isang Yvette na masasaktan," ani Audrey.
"Kung wala bang Yvette sa buhay ko'y papayag ka bang maging akin?" tahasang tanong ni Kent, ang matitiim nitong mga mata ay walang kakurap-kurap na nakatitig sa kanya.
Napamaang siya; dapat siyang magalit sa tinuran nito, mamuhi dahil tila isa siyang bagay na puwede nitong kunin kung kailan nito gusto.
Subalit iba ang isinisigaw ng puso niya. Naroon ang pakiramdam na may kagalakan pa niyang tatanggapin ang proposition ng guwapong binatagayong ang ipinunta niya sa rancho na pag-aari ng pamilya nito ay hindi upang alagaan talaga ang ina nito kundi upang lubos na makalayo sa alaala ng isang sawing pag-ibig...