He didn't only touch her lips when he was kissing her. He also touched her heart.
Nauwi sa matamis na relasyon ang parang asot pusang pagbabangayan nina Gail at Pride. Kung noon ay pulos maaanghang na salita ang ipinupukol nila sa isat isa, ngayon ay walang araw na hindi nila sinasabi kung gaano nila kamahal ang bawat isa.
Isang araw ay biglang nagpaalam ito na aalis. Sa Amerika na raw ito magpapatuloy ng pag-aaral. Walang kasiguruhan kung babalik pa ito sa piling niya kaya nagpasya siyang ipagkaloob dito ang kanyang pagkatao. At nahuli sila ng kanyang mga kuya.
Nagalit si Pride at pinagbintangan siyang s-in-et up niya ang lahat. Umalis itong napopoot sa kanya. Pagkalipas ng limang taon ay nagbabalik ito sa kanya. Mapanindigan pa kaya niya ang galit niya rito kapag nalaman na niya ang buong katotohanan sa paglisan nito noon?