Isang bakanteng posisyon na lang ang puwede kong ialok sa `yo. Be my wife.
Crystal Saavedra was living her life like a princess. Mayaman ang kanyang pamilya kaya lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya. Pero isang araw ay bigla siyang nagsawa sa pagiging mayaman. Gusto niyang magkaroon ng bagong spice ang buhay niya kaya nagdesisyon siyang pansamantalang talikuran ang karangyaan at mamuhay bilang isang mahirap.
Minsang nagpanggap siyang waitress sa restaurant ng kuya niya ay natapunan niya ng juice ang babaeng ka-date ng guwapong lalaking nakakuha ng atensiyon niya. Inakala marahil ng lalaki na mawawalan siya ng trabaho dahil sa nangyari kaya binigyan siya nito ng calling card. Dahil na-curious siya at nabaitan kay Ford ay nag-apply siya sa kompanyang pag-aari nito.
Doon napatunayan ni Crystal na talagang mabait at matulungin si Ford. Ganoong klase ng lalaki ang pinapangarap niya kaya nahulog ang loob niya rito. At ganoon na lang ang tuwa niya nang magtapat din si Ford ng damdamin sa kanya at maging magkasintahan sila.
Akala ni Crystal ay happily ever-after na pero natuklasan ni Ford ang tunay na pagkatao niya.