The moment you uttered my name, I fell in love with you.
Isang pilas ng lumang libro ang natagpuan ni Holli na kasama ng mga kandilang binili niya sa isang kinikilalang mangkukulam. Natuklasan niyang listahan pala iyon ng isang love spell.
Natukso, isinagawa ni Holli ang ritwal. She had the perfect person to use it onher love, Aries Villanueva.
Nasa kalagitnaan na si Holli ng ritwal nang ma-realize niya ang konsekwensiya ng ginagawa. But she was too late to stop. Aries was already head over heels in love with her.
Dapat ay maging masaya siya. Pero magagawa bang tanggapin ni Holli ang pekeng pag-ibig ni Aries para sa kanya? At kung hindi, handa ba siyang madurog ang kanyang puso para sa panibagong ritwal na mag-aalis ng sumpa?