"I was too dumb not to tell you about this feeling before you left. But now that you are back, I'm letting you know. Please be mine..."
Enrolment pa lang ay nataranta na agad ang puso ni Alodia Mari-Antoine sa budding doctor na si Neil Robin Concepcion.
At nang maging professor niya ito ay sinamantala niya ang pagkakataong "ipaalam" dito ang tunay niyang nararamdaman.
Ngunit sa laking dismaya niya ay dead-ma ito sa kanya.
Sa sobrang sama ng loob ay nagtungo na lang siya sa America at doon ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral...
Pagbalik niya ay ang guwapong binata ang nadatnan niyang personal doctor ng kanyang ama.
Gusto niya itong gantihan, lalo na't tila ito na ngayon ang humahabol sa kanya. Ngunit sa pang-i-snub na ginagawa niya rito ay nagrerebelde naman ang kanyang puso...