"Gusto ko lang mamulat ka sa mali mong paniniwala kaya kita sinaktan." Para sa kanya'y pare-pareho ang ugali ng mga lalaki--oportunista, mapagsamantala at walang konsiderasyon sa nararamdaman ng mga babae. Kaya naman nang makilala niya si Bengie--makisig, at mala-Adonis na kaguwapuhan--ay inakala niyang ganoon din ang ugali nito. Nabuo sa kanyang isip ang isang plano. Tutuksuhin niya ito at paglalaruan. Ngunit laking gulat niya nang sa bandang huli'y tanggihan nito ang malaking perang inalok niya kapalit ng pagpapakasal sa kanya. Ano't nalungkot siya sa naging pasya nito? Dahil kaya una pa ma'y attracted na siya sa maamong mukha nito? At sinasabi ng kanyang puso na mahal na niya ito...?