Necessity is the mother of invention, Invention is the mother of destruction.
Ang panahon kung saan ang Pilipinas ay nahahati sa tatlong paksyon na tila caste system na pamumuhayuna, ang mga bid (ang pinakamababang uri o ang pinakamahirap); pangalawa, ang mga commoner (middle class), at ang huli, ang mga bidders (pinakamataas na antas).
Kung bakit bidders? Sila ang may kakayahan para bumili ng mga bid o kahit na commoner para mailipat ang kanilang memory gene sa ibang katawan at masabing imortal sila.
Ang mga memory gene na ito ay inimbento ng kumpanyang MEMO na hawak ng kasalukuyang diplomatic government. Isang eksperimentong pumasa sa Europe at patuloy na ginagamit ng mga bidders upang mabuhay sa kahit gaano pa kahabang siglo.