You dont know how much you made me happy the moment you told me you love me.
Masaya si Marian dahil unti-unti nang nakakapag-move on si Pierce sa pagkamatay ng nobya nitong si Mica na matalik niyang kaibigan. She was there to help him. Pero dahil sa ginawa niya ay unti-unting bumabalik ang sekretong tanging siya ang nakakaalamshe was secretly in love with her best friends boyfriend.
Was. Ibig sabihin ay nakaraan na iyon. Pero si Pierce mismo ang nagpapahirap sa kanya na panindigan niyang nakalimutan na nga niya ito. Because all of a sudden he was making her feel special. At ang tinamaan ng kidlat! He even kissed her. Kung kailan kaya na niyang aminin na mahal pa nga niya ito ay saka isinampal sa kanya ang katotohanang kahit ano ang mangyari ay mananatili ang isang bagay na nakapagitan sa kanilaang alaala ni Mica na tila kailanman ay hindi malilimot ni Pierce.