Buong buhay ni Lynette, wala na siyang hinangad kundi ang yumaman. Iyon lang ang makakapagpaligaya sa kanya: ang magkamal ng salapi. Sa gayong paraan lamang siya makakaharap nang taas-noo sa mga taong umapi sa kanya, lalo na sa ina niyang nagawa siyang ipamigay noong sanggol pa lamang siya.
Dalawang klase lamang ang tao sa mundo. Isang manggagamit at isang nagpapagamit. Iyon ang paniniwala niya pati sa pag-ibig. Pero simple lang naman ang kuwalipikasyon niya sa pagpili ng lalaking makakasama sa buhay.
He had to be perfect. Guwapo, mabait, makapangyarihan at mayaman...
At hindi iyon si Aidan. Pero bakit hindi niya mapigilan ang sariling pusong nagiging eratiko ang tibok sa tuwing masisilayan niya ang binata? Bakit nawalan ng halaga ang mga ambisyon niya nang sandaling maramdaman niya ang init ng mga labi nito?