“I don’t care kung simple ka pa or anything. Ang importante ay mahal kita. You are the only one who can get into my soul.
I love you.”
Naunsyami ang pinakahihintay ni Lilian na final interview nang walang habas siyang talsikan ng putik ng isang gwapo pero antipatikong lalaki habang naglalakad sa kalsada. Sa pagkabuwisit ay nasapak niya ang lalaki—para lamang sa bandang huli ay matuklasan na ito pala ang magiging final interviewer niya.
Nalintikan na! Paano na ang matagal nang pangarap niya na maging isang writer?
Laking gulat na lamang niya nang bigla siyang hingan ng pabor ng lalaki na magpanggap bilang girlfriend nito. Hmm… Isang magandang pagkakataon iyon para hingan din niya ito ng pabor. Papayag siyang magpanggap bilang girlfriend nito pero sa isang kondisyon: kung iha-hire siya nito.