Kahit lunurin pa ako ng isang drum na gayuma ng ibang babae, hindi eepekto `yon dahil mas malakas pa rin ang kagat ng kamandag mo sa akin.
Desperada si Joon na manalo sa scriptwriting contest ng kanilang unibersidad. Ang problema, romance ang tema ng contest. Hindi niya alam kung saan siya huhugot niyon. Bitter siya sa pag-ibig dahil sa kataksilan ng daddy niya. Nagprisinta ang kaibigan niya na ihanap siya ng boyfriend. Makakatulong daw iyon para makapagsulat siya ng romance. Pag-uwi niya ay may nadatnan siyang cute na lalaki sa harap ng pinto ng unit niya. May hawak itong placard na para bang naghahanap ng kamag-anak sa airport. Code name: Trick ang nakasulat sa placard. Ito raw ang magiging boyfriend niya sa loob ng isang buwan. Nawindang siya sa presensiya ng lalaking nerd na mukha pang lampa! Kaysa naman masayang ang perang ibinayad ng kaibigan niya sa payatot na lalaki, tinanggap na lang niya ito.
Pero nawindang din siya nang bigla itong naging macho sa paningin niya. Trick was so sweet, so thoughtful, and very caring that she found herself falling for him. Hanggang sa maalala niya ang batas na nakasaad sa kontrata: A client shall not fall in love with her Stray Boy.
Pero huli na ang lahat. Natagpuan na lang niya ang sariling hinahangad ito hindi lang para maging boyfriend nang isang buwan kundi maging kabiyak habang-buhay.