Bakit nga ba ikaw? I dont know.When I realized that it was you, I just accepted it. I just need to show you that its me.
Paano kung isang gabing madilim, isang estranghero ang nagbigay sa iyo ng isang bag na salapi? Paano kung nagbilin ang estranghero na isang araw, kukunin niya ang kaparte niya sa salapi? Paano kung pagsapit ng araw na iyon, wala na sa iyo ang salapi dahil nag-invest ka nang wagas sa pyramid scam?
Iyan ang nangyari kay Marnie, magandang dalagang-ina.
Nayanig ang kanyang mundo nang biglang sumulpot sa buhay niya si Chet, ang estrangherong nagbigay sa kanya ng limang milyon, noong isang gabing nagtatago sa ulap ang buwan. Fresh na fresh mula sa bilangguan ang herodes. Nasaan na raw ang share nito? Hindi raw ito aalis sa piling niya hanggat hindi nakukuha ang pera.
NALINTIKAN.
Saang kamay ni Batman kukuha si Marnie ng 2.5M pesoses? Paano niya ipapaliwanag sa selosong boyfriend ang presensiya ng ex-con na may seksing abs sa tabi niya? At paano niya kukumbinsihin ang kanyang anak na hindi nito daddy si Chet?