"Ever since I fell in love with you, there hasn't been a dull moment in my life. Masayang ma-in love sa `yo kasi kahit wala ka namang ginagawa para mahalin kita, I always find myself falling in love with you more and more. Sa tingin ko, habang-buhay na akong mai-in love sa `yo."
Kinidnap si Alexa ni Louis, ang lalaking matagal nang may pagtatangi sa kanya, at dinala sa isang napakagandang resort sa Batangas. Doon sa Mystic Landia ay ipinakita ng lalaki kung sino talaga ito, at kung gaano kasinsero ang hangarin sa kanya. She succumbed. Kaunting-kaunti na lang ay malapit na siyang ma-in love sa guwapong lalaki.
But their happy times at the resort were short-lived. Kinailangan ni Louis na magbalik sa Maynila. Ngunit pagkatapos maihatid sa bahay ay hindi na nagpakita kay Alexa ang lalaki. Hanggang sa nabalitaan na lang niya na si Louis ay nakikipagkita pala sa isang Korean pop idol.
Noon napagtanto ni Alexa na umiibig na pala siya sa lalaki. O mas tamang sabihing matagal nang umiibig dito, hindi lang niya namamalayan. Pero mukhang huli na siya. Paano ay pinangakuan na pala ni Louis na pakakasalan ang Korean pop idol, isang kasunduan na ginawa noong mga bata pa lang ang dalawa!