“Ang tagal-tagal ko na ngang nanliligaw sa `yo. Hindi ba puwedeng mag-shortcut na? Pakasalan mo na ako!”
Tahimik ang buhay ni Tyron sa Paradise View nang ipaampon sa kanya ng kaibigan ang pinsan nitong si Gaizchel, ang babaeng parang palaging sinisilihan at paiba-iba ng propesyon. Simple lang naman ang ipinapagawa sa kanya ng kaibigan: Libangin si Gaizchel sa plantation habang hindi pa ito nakakahanap ng magandang trabaho.
Pero ang paglilibang kay Gaizchel ay nauwi sa kagustuhan ni Tyron na huwag na itong pakawalan. Gusto niyang manatili na lang ang dalaga sa tabi niya. Pero paano niya gagawin iyon gayong alam niyang kapag nakuha na ni Gaizchel ang bawat magustuhan ay binibitawan din agad kapag nawala na ang interes nito?
But dear Lord! He loved her very much!