I may have all the riches in the world, Aya... but my life wouldnt be complete if I dont have you.
On the night of their wedding, natuklasan ni Aya ang tunay na dahilan ng pagpapakasal sa kanya ni Gabby. The handsome business tycoon was planning to run in Congress at ang pag-aasawa ng isang dukha ay inaasahan nitong makakakuha sa simpatya ng masa.
A dummy wife. Iyon ang magiging papel niya sa buhay ni Gabby at hindi totoong pag-ibig ang dahilan kaya siya pinakasalan ng lalaki.
Hurt and devastated, nilisan ni Aya ang mansiyon at nagpakupkop sa isang malayong kamag-anak. Mas nanaisin na niyang masaktan ngayon kaysa lumigaya sa pagkukunwari.
Pero paano niya matitiis na malayo sa piling ni Gabby kung sa bawat sandali ng kanyang buhay ay hinahanap-hanap niya ang mga yakap at halik nito?