“Maghintay ka lang. Magkakagusto ka rin sa akin.”
Isang bagyong nagngangalang “Wryon Cedillo” ang humagupit sa mundo ni Milky Way. Isa itong sikat na action star na may napakalakas na hangin sa ulo. Ito na ang champion pagdating sa pagiging PPSS—Poging-pogi Sa Sarili.
Ngunit nakahanap ng katapat si Wryon sa katauhan ni Milky Way nang minsang sinipa niya ang binata sa mukha dahil ninakawan siya ng halik.
Mula nang dumating si Wryon sa buhay niya ay hindi na siya nito nilubayan. Gusto na raw siya ng aktor at gagawin nito ang lahat ng paraan para pakiligin siya. Susuko lang daw ito na pakiligin siya kapag nalanta na ang lahat ng mga bulaklak sa mundo. Katulad daw ng sa isang fairy tale ang magiging love story nila.
Ang tanong ngayon ni Milky Way sa sarili ay makakaya nga ba niyang hindi kiligin kay Wryon? Lalo na kung ang nagpapakilig sa kanya ay ubod ng gwapo at may napakagandang ngiti? O baka naman masalanta lang siya sa bandang huli?