“It has been so long since I heard your laugh. I almost forgot how beautiful it sounded.”
Isang undergraduate na gym at karate instructor si Jamie Pedronan. Madalas siyang mapagkamalang lalaki dahil sa maigsing buhok at boyish na pananamit. Umikot ang buhay niya sa pagtatrabaho para mapag-aral ang kanyang mga kapatid.
Pero nagbago ang pag-ikot ng kanyang mundo nang iligtas niya mula sa isang kidnapping attempt si Ryder Ramos, ang napakaguwapo at nag-iisang anak at tagapagmana ng isang malaking petroleum company. Ang akala ni Jamie ay hindi na niya uli makikita si Ryder. Pero bigla siya nitong inalok na maging bodyguard.
Hindi inaasahan ni Jamie na sa pagdikit-dikit sa kanyang boss, pagsama-sama sa kung nasaan ito, at pag-aasikaso dito na para siyang isang yaya, ay puso pa niya ang mahuhulog. Dapat yata ay sariling damdamin ang binantayan niya. Dahil kahit kailan ay hindi na lalagpas pa sa isang bodyguard ang tingin ni Ryder sa kanya.