“Kung hindi kita nakilala, then my life would be totally different. Hindi ako magiging ganito kasaya.”
Mahal ni Ericka si Jarome pero hindi pa siya handang makipagrelasyon dito sa kabila ng pag-amin nitong mahal din siya nito. Nais muna niyang tuparin ang pangarap niya kaya mas pinili niyang umalis ng bansa kaysa manatili sa tabi nito. Nagkasundo silang pagbalik niya ay pag-uusapan nila ang tungkol sa kanilang dalawa.
Siya ang unang hindi tumupad sa pangako dahil ang isang buwan ay inabot nang apat na taon. Sa pagbalik niya sa bansa ay handa na siyang tanggapin si Jarome sa buhay niya. Pero nalaman niyang ikakasal na pala si Jarome at sa best friend pa niya.
Handa siyang gawin ang lahat upang bawiin si Jarome dahil una itong naging kanya. Pero mukhang huli na talaga siya. Dahil nalaman niyang ipinagbubuntis ng best friend niya ang anak ni Jarome.