Gustong ipamukha ni Ono sa manloloko niyang ex-boyfriend na matagal na siyang naka-get over dito. Kaya kailangan niya ng magpo-pose na boyfriend niya. At tamang-tama ang pagsulpot ni Benicio sa buhay niya. Wika nga, he came at the right place at the right time. Pumayag ito sa alok niya.
Kumbinsidung-kumbinsido ang lahat na tunay ngang magkasintahan sila ni Benicio, pati na ang groovy but nosy na si Lola Eva. Natural na natural kasi ang pakikitungo nila ni Benicio sa isat isa. Napakamaalalahanin pa nito at sweet. Pati nga yata ang puso niya ay nakukumbinsi na rin, umaasam na sana ay totoong sila na nga