"Hindi ka pa nga nagliligaw, nagpo-propose ka na ng kasal!"
Boyfriend sa panaginip. Iyon si Jovit kay Melanie.
Teenager pa lamang siya'y minahal na niya ang binata. Pero hindi siya pansin nito. Sabi ng iba, mananatili na lang ilusyon niya ang binata.
But why did he kiss her? At hindi ilusyon iyon. Dahil naiwan ang halik na iyon sa mga labi niya.
But to her dismay, napunta ito sa ibang babae.
Kalilimutan ko na lang si Jovit, sabi niya. Pero biniro siya ng pagkakataon. Kung kailan nabubura na ang spelling ng pangalan nito sa puso niya, saka naman muling pinagtagpo ang landas nila. This time, magkalaban pa sila sa isang kaso.
Nakakainis, sabi niya sasarili. Pag-ibig ni Jovit ang pinangarap niya, hindi ang poot nito. May magagawa pa ba siya para paamuin ang mailap nitong puso?