“When I told you I love you ibinigay ko na rin sa `yo ang lahat ng karapatan sa `kin. Hindi kailangang magkaroon tayo ng pormal na usapan. Sapat ng mahal natin ang isa’t isa para ituring mong ako’y sa `yo at ikaw ay akin…”
Nakilala ni Alyssa si Neo isang gabi ng Valentine’s Day sa flower shop ng kanyang kaibigan. Sandali silang nag-usap and the next thing she knew, kapitbahay na niya ang binata. Si Neo ang nakabili ng katabing bahay nila. Doon nagsimula ang pagkakalapit nilang dalawa bilang magkaibigan.
But something didn’t feel right. Magkaibigan lang sila subalit bumibilis ang tibok ng puso niya tuwing nasisilayan ang matamis na ngiti ng binata.
Unti-unting nagbago ang pagtingin ni Alyssa kay Neo. Hanggang isang araw ay nagising na lang siyang umiibig sa kaibigan. Subalit nang magtapat ito ng pag-ibig sa kanya, tinanggihan niya ito kahit umamin siyang mahal din niya si Neo. She just couldn’t put their friendship at stake kapalit ng isang relasyong walang katiyakan.
But later, she realized it was a big mistake to let go of the man she loved. Ngunit tila huli na ang pagbabago niya ng isip. Because Neo left their village with another woman who spent a night at his house.