Mahal nila ang isat isa. Makakaya nilang lampasan nang magkasama ang anumang pagsubok na darating.
Inibig ni Bella si Gabriel nang gabing magkakilala sila na nauwi sa mapusok na pagsasalo. Ngunit wala siyang inaasahan sa one-night stand nila. Dahil ano ba naman ang dapat asahan ng isang tulad niya mula sa isang sexy race-car driver na pinagkakaguluhan ng kababaihan?
Ngunit pagkalipas ng limang taon, hindi inaasahan ni Bella na muli niyang makikita si Gabriel. At di-sinasadyang natuklasan pa ni Gabriel ang bagay na sinadya niyang ilihim dito. Na nagbunga ang isang gabi nilang kapusukan.
Wala siyang nagawa nang igiit ni Gabriel ang pagpapakasal nila. At ngayong kasal na sila, natanto ni Bella na hindi naman pala nawala ang pagmamahal niya kay Gabriel. Pero hinding-hindi niya iyon aaminin kahit pa damang-dama niya ang pisikal na atraksiyon ni Gabriel sa kanya. Dahil isa lang naman ang nais nito: ang kanilang anak. Nagkataon lang na kasama siya sa package.