"Mahirap magmahal nang hindi nae-express, nabubulok ang pag-ibig sa puso..."
Lihim na minamahal ni Mylene si Karl, pero ibang pangalan ang laman ng pihikang puso ng binata. Dahilan upang ibaling niya ang pagtingin sa iba.
Nang ipakilala niya si Edward sa kanyang mga magulang ay labis na tinutulan ng kanyang ama ang pakikipagrelasyon niya rito, at sinabing si Karl lamang ang lalaking gusto nitong makatuluyan niya. Si Karl na simula't sapol ay hinangaan na niya hindi lamang ang pisikal na anyo nito kundi ang buong pagkatao nito. Dito lamang boto ang kanyang daddy.
Paano niya maaagaw ang puso ng binata kay Geneva? At paano niya ipaiintindi sa kanyang mga magulang na mahirap mangyari ang gusto nilang mangyari?
Ngunit sa isang bahagi ng kanyang puso ay naroon ang labis na kagalakan. Dahil katulad iyon ng kanyang nararamdaman.