Pasalamat ka at mahal din kita. Gusto ko na ng happy ending.
Pinakiusapan si Rachel ng kanyang tiyahin para pamahalaan ang resort nito sa Baler, Aurora. Agad na pumayag si Rachel. Ang buong akala niya ay resort lang ang kanyang pamamahalaan. Hindi niya inaasahang gugustuhin na rin niyang maging caretaker ng guwapong kapitbahay nilang si Miguel.
Handang-handa pa naman sana si Rachel na yakapin ang kanyang solitude at soul-searching kung hindi lang nabulabog ni Miguel na taglay yata ang lahat ng ubodubod ng guwapo, ubod ng macho, ubod ng tangkad, at higit sa lahat, ubod ng sungit at suplado. Pero dahil kinarir ni Rachel ang pagiging caretaker ng resort at ni Miguel, pakiramdam niya ay na-extend ang kanyang summer fling papunta sa rainy days with love.
Ngunit sadya yatang hindi pa season ng puso ni Rachel para umibig. Natuklasan niya na ang ama ni Miguel na hindi nito mapatawad ay walang iba kundi si Uncle Ben na stepbrother ng kanyang daddy.
Paano pa niya ika-career ang rainy days with love kung pabalik na sa summer draught ang pakikitungo ni Miguel sa kanya?