“I want more than your friendship. I want your
love.”
Nang magbalik sa buhay ni Ronina ang kababatang si Tom, dalawang bagay ang nangyari sa buhay niya na ang akala niya ay imposible nang mangyari. Una ay natupad ang kanyang pangarap na maging beauty queen nang manalo siya bilang Mutya ng Santa Cruz. Pangalawa ay nakatagpo siya ng pag-ibig sa katauhan ni Tom; hindi pala siya destined na maging old maid tulad ng kanyang tiyahin.
Masaya si Ronina sa piling ng binata, ngunit karibal pala niya sa puso nito ang kapatid niya sa ama na si Maggie. Natagpuan niyang unti-unting lumalayo sa kanya si Tom, at nalamang mas pinili nito si Maggie kaysa sa kanya. Ayon sa binata, mas makabubuti iyon sa kanya. Kung gayon nga, bakit siya nasasaktan?