Para pansamantalang makawala si Chiqui sa pag-iintindi sa dalawang barakong kuya niya ay pumayag siyang tanggapin ang alok ng kaibigan niyang si Francis na maging private nurse nito nang maaksidente ito.
Ang dahilan ng pagkakaaksidente nito ay ang pamomroblema nito sa nobya nitong si Aisha. Sobrang in love dito si Francis pero ang dalaga ay tila ba nagpapalipas lang ng oras sa pakikipagrelasyon dito. Ang lalong nagpakulo sa dugo niya ay nang laitin siya ng babae.
Bilang ganti ay naisip niyang subukang agawin dito si Francis, tutal naman ay mukhang dehado si Francis sa relasyon nito at ng girlfriend nito.
Ang hindi niya inaasahan ay ang mga kumplikasyong lilikhain ng padalus-dalos na plano niyakumplikasyong maglalagay sa puso niya sa panganib.