Minsan ay minahal ni Jenna si Polo nang buong puso. Ngunit dahil sa matinding pangangailangan ay kinailangan niyang iwan ito at talikuran ang kanilang pagmamahalan. Mahigit apat na taon ang lumipas, isa uling matinding pangangailangan ang nag-udyok sa kanya para lapitan ito. Naakusahan ang kanyang ama ng kasalanan na hindi naman nito ginawa. Kailangan nito ng abogado na magtatanggol dito.
Si Polo ang isa sa mga pinakamagaling na abogado sa bansa at kilala ito sa pagtanggap ng mga pro bono cases. Lakas-loob na nilapitan niya ito para hingin ang tulong nito.
Pumayag ito pero may kapalit: Siya.