Anywhere would be seventh heaven with him by her side.
Mula pagkabata ay matalik nang magkaibigan sina Aries at Bianca. Kahit sila’y parang aso’t pusa, napanatili nila ang kakaibang closeness hanggang sa sila’y magdalaga’t magbinata na.
“Impaktita” ang tawag ni Bianca sa lahat ng mga naging girlfriend ni Aries, samantalang ito naman ay daig pa ang tatay niya kung pandilatan ang mga lalaking lumalapit sa kanya. Pero walang romantic feelings na namamagitan sa kanila. Well, that was what they insisted until an argument marked the fateful ending of their so-called friendship.
Nang umalis si Aries patungong Madrid, Spain para magtrabaho, saka pa lang na-realize ni Bianca na higit pa pala sa isang best friend ang tingin niya para sa binata.
Ngunit may pag-asa pa bang magkabati uli sila gayong mas malala pa kaysa sa World War Two ang away na nangyari sa pagitan nila noong bago ito umalis patungong Spain? At kung noon ngang halos twenty-four-seven silang nagkikita ay malabo pa kaysa sa sabaw ng chicken curry ang kanilang love story, ngayon pa kayang milya-milya na ang layo nila sa isa’t isa?