"Promise, Samuela, I will never leave you... no matter what."
"You haven't changed a bit, Samuela. You're still as lovely as ever."
Pinamulahan siya ng mukha. Tinitigan niya rin ang guwapong mukha ni Mike. At 'di niya mapaniwalaan na two years ago ay binasted niya ito, in favor of Lambrecht na ni wala sa kalingkingan nito.
"Look at me, Samuela. Tell me if I wouldn't be enough to ease the pain in your heart..." Bago pa siya nakaiwas ay sakop na ng mga labi nito ang kanyang mga labi...
At sa marubdob na halik pa lang nitong iyon, nakatitiyak na siyang madali nitong magagamot ang unang kabiguan niya sa pag-ibig.