If youre scared and feel like somebodys going to get you, just run to me. Kung may isang seryoso sa mga sinabi ko kanina, iyon ay ang handa akong protektahan ka.
Love hurts. Alam na alam iyon ni Abri dahil minsan na siyang nasaktan. Kanino? Kay Uno lang naman, ang kanyang first love. Kaya hanggang kaya niya, iniiwasan niya ang binata.
Pero nang malunod si Abri at sagipin siya ng binata, wala siyang nagawa kundi bantayan itobilang pagpapasalamat sa kabayanihang hindi na lang sana nito ginawa. Ang siste, napapalapit na naman ang dalaga kay Uno at ang ibig sabihin niyon, maaaring bumalik ang damdamin na matagal nang inilibing ni Abri.
At kung kailan handa na siya sa resurrection ng kanyang feelings para kay Uno, dumating si Kiriaang unang pag-ibig ng binata na kinabog ang kanyang kagandahan.
Wala, mukhang bigo na naman si Abri.