Hindi itinataboy ang isang tao kung mahal mo ito.
Nahaharap si Armea sa kakaibang kompetisyon. Kailangang unahan niyang mag-asawa ang best friend niyang si Simon. Sampung milyong piso ang nakataya. Kung siya ang mananalo ay maiaahon na niya mula sa kahirapan ang kanyang pamilya. May malaking hitch nga lang: Ayaw niyang mag-asawa kung sa ibang lalaki siya magpapakasal.
Si Simon ang gusto niyang pakasalan. Puwede naman iyon dahil ramdam niya na mutual ang pagtingin nila sa isat isa. Hinintay niyang alukin siya nito ng kasal. Nainip lang siya dahil hindi nito ginawa iyon. Kaya lakas-loob na siyang nagsabi rito. Nadismaya siya dahil tinanggihan siya nito. Hindi raw siya ang gusto nitong pakasalan. Ngunit ang puso niyang makulit ay ayaw sumuko. Malaki talaga ang paniniwala niyang mahal din siya ni Simon. Naniniwala siyang may ibang dahilan kaya ito tumanggi sa suhestiyon niya. She decided to snoop a little. Kumbinsido siyang may inililihim ito. What she discovered was bound to change her forever.