Kung sakaling bigla na lang akong magkapira-piraso, buuin mo ako, ha? Para kasing sasabog ako sa sobrang saya sa piling mo.
May dalawang bagay na pinaniniwalaan si Ellen na hindi niya kailanman kinuwestiyonthat Nathan Aragon was a phenomenon and that she loved him so.
Pero nang bigla na lang siyang yayain nitong magpakasal, kinailangan niyang magtanong dahil matagal na niyang alam na hindi naniniwala si Nathan sa kasal. Binigyan siya nito ng isang lohikal na rasongusto nitong bigyan ng ina ang mga pamangkin na kinalinga nito.
Pumayag si Ellen. Naging madali para sa kanya ang role niya bilang ina. Ang hindi madali ay ang itago ang totoong nararamdaman niya para kay Nathan. Ito naman kasi, dapat ay magpapanggap lang silang sweet sa isat isa tuwing nasa harap sila ng mga bata. Pero, kahit silang dalawa na lang ang magkasama ay patuloy pa rin ito sa pagiging malambing.
Inisip niyang naniniwala na ito sa pag-ibig at siya ang napili nitong mahalin. Pero bakit nang maganap ang isang maalab na halik sa pagitan nila ay bigla na naman itong umiwas sa kanya?