You are my nectar and ambrosia. You make me feel totally divine.
Isang di-pamilyar na lalaki ang nahagip ng pansin ni Daphne. Good morning, Sir. May kailangan po ba kayo?
Ngumiti ang lalaki. Im sorry if I interrupted your class, I was just looking for the principals office.
Napakurap si Daphne, pinaglabanan ang sariling malunod sa kalaliman ng boses nito. Naghari sa kanyang isip ang imahe ni Adonis. Pero sa tingin niyay mas perpekto pa ang pisikal na kaanyuan ng lalaki kaysa sa mga immortal gods and heroes na nababasa niya sa Greek mythology.
Bago pa muling nakapagsalita si Daphne ay lumapit ang lalaki sa kanya at nakipagkilala. Im Engineer Francis Apollo Agustin. Iniabot nito ang kanang kamay sa kanya.
Nangingiming nakipagkamay kay Francis si Daphne.I-Im Miss Mendoza.Daphne Mendoza. Hindi kayang ipaliwanag ng anumang salita ang naramdaman ni Daphne nang magdikit ang kanilang mga palad.