“Hindi mo ba napapansin na nagpapakita lamang ako sa iyo kapag alam kong libre ka na uli? Nagbabaka-sakali kasi akong maibabaling mo sa akin ang pagtingin mo.”
Super-inis si Chichi kay Mikmik, ang best friend ng kuya niya. Wala siyang pakialam kahit ito ay guwapo, mayaman, at isang sikat na artista. Lagi niyang binabara ang mga hirit nito. May ginawa kasi itong kabulastugan sa kanya noong mga bata pa sila.
Ngunit bigla-bigla, nagbago ang ihip ng hangin. Parang kidlat sa bilis at tidal wave sa lupit na ginulat ni Mikmik ang kanyang nananahimik na puso.
Minahal ni Chichi ang lalaki kahit hindi niya alam kung saan sila patungo.
Saan nga ba patungo ang relasyon nilang walang titulo?