Hindi na kayang itatwa ng puso ko ang nararamdaman ko para sa `yo. Kailangan ko nang aminin ang totoo, hindi lang sa `yo kundi pati na sa sarili ko. Mahal kita
Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Leila kay Derek. Pero boyfriend ito ng kakambal niya kaya kinailangan niyang itago ang nararamdaman. Hindi niya kinaya ang silakbo ng damdamin. She slept with the guy. Ang masaklap ay hindi matandaan ni Derek ang namagitan sa kanila. At nagbunga ang pagkakamaling iyon.
Nagulo ang mundo ni Leila. Salamat na lang sa tulong ng kaibigan niyang si Raymond, nakabangon siya sa pagkakadapa. She owed the guy her new life. Ito na rin ang halos tumayong ama ng kanyang anak.
Maayos na sana ang lahat kung hindi lang nagtagpo uli ang mga landas nila ni Derek. At ang hangal na puso ni Leila, gusto na namang mahumaling sa binata.
No way and never again. Ipinagpipilitan iyon ni Leila sa sarili. Pero mukhang kagaya noong una pa niyang mahalin si Derek, matatalo na naman siya sa sigaw ng kanyang damdamin. Kaso lang, kagaya rin noon, mukhang siya lang ang nagmamahal sa binata. So as one song goes, there really is no other way but to say good-bye.