“Ikaw ang kaisa-isang bagay na handa kong ipaglaban sukdulang ibigay ko ang buhay ko.”
Gustong hanapin ni Althea ang kanyang sarili kaya lumayo siya. Hindi siya nagpaalam o nagparamdam sa mga kaibigan niya. Sanay na rin naman ang mga ito sa ugali niyang iyon.
Medyo nagsasawa na siya sa takbo ng kanyang buhay. She wanted to break free. Kaya nga biglang pinagupitan niya ang buhok niya. Napadpad din si Althea sa isang tattoo shop na nadiskubre niyang pag-aari pala ni Johnny. Masasabing kakilala na rin niya ang binata dahil kaibigan ito ng nobyo ng pinsan niya.
After the tattoo, hindi lang yata ang balat niya ang inukitan ni Johnny dahil nakuha na rin nito ang kanyang atensiyon. Kaya pagkatapos ng masusing pag-iisip, inalok ni Althea itong maging boyfriend sa loob ng isang linggo, no strings attached. Siguro nga ay nababaliw na siya, but she just wanted to feel loved.
Ngunit mukhang si Althea ang talo sa kasunduan nila dahil sa paglipas ng mga araw ay unti-unti siyang nahuhulog sa binata.
Makakaya pa kaya niyang pakawalan si Johnny kapag natapos na ang isang linggo?