Hindi alam ni Laura kung suwerte o kamalasan ang dumapo sa kanya at sa isang aksidente ay nailigtas niya ang kanyang idolong si Rick Gonzales mula sa isang iskandalo na posibleng ikasira ng career nito. Kasunod niyon, inalok na siya ng binata ng raketwell, sort of raket. May allowance kasing kasama ang pagpapanggap niya bilang nobya nito sa publiko para pagtakpan ang tunay na karelasyon nito. In short, panakip-butas siya.
Matagal na niyang crush si Rick, kaya hindi naman siguro masama kung i-wish niyang leading lady siya ng aktor sa tunay na buhay, habang nagda-drama sila sa harap ng mga reporters.