The harder I thought to forget you, the stronger you came.
Die-hard fan si Riza ni Marc Marquez, ang MotoGP champion at tinaguriang The Smiling Assasin ng motorcycling world. He was charming and he was always wearing his infectious smile that could melt every womans heart.
Naniniwala si Riza na may magandang plano si Kupido sa love life niya dahil nang muntikan siyang malunod, sa dinami-rami ng mga lalaki ay si Marc pa ang nagligtas sa kanya. Inalagaan siya nito at hindi iniwan. Dahil doon kaya lalong lumalim ang paghanga niya sa binata. Nangarap siya ng happy-ever-after sa piling ni Marc kahit batid niyang imposibleng mahalin siya ng lalaki.Pero isang araw ay biglang nagpahiwatig ng pag-ibig kay Riza ang binata.
At halos magtatalon siya sa tuwa.
Kontento at masaya na sana si Riza sa piling ni Marc pero biglang napalitan ng pait at sakit dahil sa sunod-sunod na dagok sa buhay ng dalaga. Nadamay pati ang relasyon nila ni Marc. Lalo siyang nasaktan nang lumayo ang binata.
Paano na ang happy-ever-after nila?