I love you, Star. Twenty-four-seven, three-hundred-sixty-five days, and until the next life.
Buong buhay ni Star ay sinusunod niya ang bawat sabihin ng kanyang ama. Gusto kasi niyang maging proud ito sa kanya at mahalin siya nito sa dahil malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Namatay kasi sa panganganak sa kanya ang kanyang ina at alam niyang siya ang sinisisi ng ama.
Sa pagdating ni Ocean Apollo ay nagkaroon ng kulay ang malungkot niyang mundo. Sinimulan nito sa pakikipagkaibigan at kalaunan ay nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya.
Tinanggap niya ang pagmamahal nito at masaya ang mga unang araw ng kanilang relasyon. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niyang may nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya.
Ngunit nang malaman ng kanyang ama ang tungkol doon ay nagalit ito. Bukod sa pinagbawalan siya nitong makipag-boyfriend, anak pa si Ocean ng kakompetensiya nito sa negosyo. Inutusan siya nito na hiwalayan ang binata. Mahal na mahal na niya si Ocean pero napakahirap ding ipaglaban ang pag-ibig niya.