My One True Love
By Camilla
Hanggang naroroon ang tiwala, respeto at higit sa lahat ay ang pagmamahal, we can survive whatever problems arise. Basta haharapin natin iyon nang magkahawak-kamay.
Napilitan lang si Lyra na samahan ang kaibigan sa welcome party para sa isang papasikat daw na manunulat si Gerald Pangan. Hindi mahilig sa party si Lyra at lalong hindi siya interesado sa boys.
Pero nang makaharap na niya si Gerald at ngumiti nang matamis sa kanya ang binata, parang may weird na nangyari sa kanyang puso. Bigla na lang tumibok iyon nang napakabilis.
Hindi naglaon, naging malapit sila sa isat isa. Unti-unti, may damdaming umusbong sa puso ni Lyra para kay Gerald. At tila ganoon din ang binata sa kanya.
All was well, wika nga. Kung hindi lang sumulpot sa eksena ang ex-girlfriend ni Gerald na mukhang desididong makipagbalikan sa binata