Tuwing umaga, hindi maaaring hindi pumunta si Psyche sa kanilang veranda. At dahil iyon sa iisang lalakisa kapitbahay nilang si Mr. Butch Pastrana. Gustung-gusto niyang pagmasdan ito habang pinalilipas ang umaga sa pagkakape.
The man was not only handsome, very intriguing din ang personality nito. Kaya naman kay dali niyang nagka-crush dito.
Hindi niya akalaing mai-involve ito sa buhay niya. Iyon ay nagsimula noong sagipin siya nito mula sa masamang tangka sa kanya ng stepfather niya. Ito rin ang dumamay at nagbigay ng moral support sa kanya sa panahong halos wala siyang masandalan.
Kasabay niyon ay nakatanggap siya ng mga inspirational letters mula sa isang nagngangalang "B.S.A.P." Gusto niyang isipin na si Butch iyon. She was dreaming that one day he would be her prince.
Pero mukhang hindi magkakaroon ng katuparan iyon sa pagsulpot ni Meden, ang childhood sweetheart ni Butch na pinangakuan ng binatang pagbibigyan nito ng pangalan...