Rigor Mortisthe stiffening of body upon death.
Rigor Mortizang lalaking magpapanggap na boyfriend niya at magsasalba sa kalahati ng kanyang mga ari-ariang nanganganib na matalo sa pustahan.
Pero hindi lang pangalan ang morbid dito, pati trabaho. Of all the businesses in the world, punerarya pa ang pag-aari nito!
Hindi niya alam kung bakit pero naaaliw rito ang mga kaibigan niya, gayong kahit saang panukat daanin, magkabaligtad sila. Seryoso siya, driven at walang iniisip kundi negosyo; samantalang si Rigor, kung hindi nagrarasyon ng ataul ay nasa racing centers ng Tamiya!
Sa kabila ng pagkakaiba nila, lahat ng taong nakapaligid sa kanya ay botong-boto kay Rigor. Dagdag pa sa problema ang puso niyang nag-cast na rin ng ballot: Rigor for love eternal!