Kung mayroong drug lord at jueteng lord, mayroon ding babe lord. At iyon ay walang iba kundi si Rustico Buboy Mondragon, kilala sa buong bayan na matinik sa babae.
My name is Buboy and I have a dragon iyan lagi ang opening line nito sa mga babaeng natitipuhan nito. Ngunit nang masangkot ito sa isang krimen ay nagtago ang dragon!
Hindi naman tumigil si Rosie Calimlim, self-proclaimed detective, hanggat hindi niya napapatunayang may kinalaman si Mondragon sa pagkamatay ng isang babae.
At kapag nangyari iyon, she would slay the magic dragon